Sa mga oras ng pagsubok ay napapatunayan ang lubos at wagas nag pagmamahalan
Syaka lang nalalaman at natututunan kung ano nga talaga ang ibig sabihin ng magmahal
Dyan nararanasan at nabibigyan ng kulay o ng pangalan ang pakiramdam nang may minamahal
Nasusuri, nahahawakan ang kahulugan at layunin ng totoong pagmamahal
Lalo pang magsumikap at magpunyagi, tayo man ay minamahal o kaya nagmamahal
Ito’y hindi parang “mahal-mahalan” lamang, sapagkat ang pag-ibig ay mamahalin…ng buong pusong binibigay at binabahagi…isang tanging yaman na kailangan din nating mahalin…