Pag-ibig…
Kahit ako’y nasaktan
Ako man ay nabigo, hindi ako nag-sisisi
Sa pagkat bawat isa sa atin ay nag-mamahal tama man o mali
Wala akong galit at sama ng loob na pang habang buhay kikimkimin
Hindi kita minumuhi, sa pagkat minahal kita aking sinta
Tao lamang ang bumibitaw at nawawalan ng pag-asa
Ngunit…kahit ano pa man ang ating kahinaan
Pag-ibig lang at pag-ibig parin ang hihilom ng ating mga pagkakamali
Mga sulat, mga bigkas at salita ng isang pusong nagmahal at magmamahal muli
Masakit man at mahapdi ang pakiramdam ng pusong nasawi
Pag-ibig na wagas at totoo ay hindi kailan man maglalaho
Dahil kahit ano pa man ang mangyari…sa kabila ng lahat,
Pag-ibig parin ang magwawagi.
Pag-ibig…
hi sheena,
ang mahalaga lang naman ay yung nagmahal ka di ba? regardless kung sino pa sya basta mahal mo ok na yon…wala naman talagang nasawi, siguro di lang kayo para sa isa’t-isa…keep it up….visit na rin my blog ha….!